Ang Serye ng Pilipino sa Nursery, Kinder, at Prep ay naglalayong maturuan ang mga mag-aaral na may gulang 4 hanggang 6 na maihanda sa mga kasanayan sa Pilipino sa kanilang pagpasok sa mababang paaralan. Bukod sa pagsunod sa mga itinakdang kasanayan ng DepEd na naaayon sa K to 12 Kurikulum, isinusulong ang higit na kakayahan di lamang bilang paghahanda kundi upang maging una sa inaasahan sa pag-unawa at pagkilala sa mga haharaping paksang-aralin. Ang sumusunod na mga hakbang ay ginamit sa serye upang pantay na malinang ang mga pangangailangan sa pagbasa, pagsulat, pakikinig, at pagsasalita ng mga bata:
Natatanging Nilalaman
-
Inilalahad ang aralin sa paraang malilinang ang kasanayang makinig sa guro at mag-isip.
-
May mga inihandang panghikayat na gigising sa interes ng mag-aaral sa paksang tatalakayin.
-
Sa paggabay ng guro, masasanay ang mag-aaral na sumunod sa panuto, basahin ang nailahad na mga salita at kilatisin ang katuturan ng mga Gawain.
-
Pantay na malilinang ang mga pangangailangan sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita ng mga bata.