Sanghaya, ito”y nangangahulugang “kariktan,” “ganda,” at “dangal” o “puri.” Dito sa aklat, tumutukoy ito sa kariktan ng himig ng wikang Filipino, gayundin sa pagkakaroon ng sariling wikang sumasagisag sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bansa. Ang serye ng aklat na pang-elementarya sa Filipino na pinamagatang Sanghaya ay naglalayong malinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Saklaw ng mga kasanayang nabanggit ang masusing pagkilatis, mabisang pang-unawa, paghasa sa wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at estrukturang panggramatika. Saklaw rin nito ang pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag-unawa at kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik. Bukod dito, nalilinang din sa kasanayan sa pagsulat upang mapaganda ang sulat-kamay at mahasa ang kakayahan sa paglikha ng sulatin.
Sanghaya 5 Set (Textbook, TM)
₱3,007.00
In Stock
38 in stock
Categories:
Physical Books
,
Uncategorized,
Tags: C&E Publishing, Filipino, Grade 5, PH Curriculum Aligned (DepEd), Traditional